Mga sundalo nagpakawala ng artillery fire vs ASG sa kasagsagan ng pagdarasal ng mga Muslim sa Mosque sa Sulu

By Dona Dominguez-Cargullo, Josephine Codilla-Radyo Inquirer contributor June 14, 2017 - 08:27 AM

Kinondena ng mga residente sa Jolo, Sulu ang aniya ay ginawang artillery fire ng Armed Forces of the Philippines (AFP) habang nagsasagawa sila ng ‘Taraweeh prayers’ sa mosque.

Sa post ng isang Dr. Raden Ikbala, sinabiu nitong naganap ang artillery fires alas 4:40 ng umaga ng Miyerkules. Noong panahon na iyon aniya, ang mga Tausug ay nagdarasal habang ang iba pa ay naglalakad patungo sa mosque.

“Walang respeto sa muslims ang sundalo sa sulu! Eksaktong habang nag-aazan sa mga Moske. Nag-kanyon ang hukbong sandatahan ng Pilipinas! Subhanallah! Habang nag-a-Allahu akbar ang mga bilal biglang sinupil ng sundalo ang panawagan na magdasal tayo sa moske,” ayon sa FB post ni Ikbala.

Nanawagan din si Ikbala sa AFP na huwag namang itaon ang pagpapaputok ng kanyon sa oras ng pagdarasal at paglalakad ng karamihan sa mga Tausug patungong mosque.

Samantala, kinumpirma naman sa Radyo Inquirer ni Joint Task Force Sulu commander, B/Gen. Cirilito Sobejana Jr., ang pagpapaputok ng kanilang mga tauhan sa nasabing oras.

Ayon kay Sobejana, hindi nila nais na itaon sa pagdarasal ng mga Muslim ang pagsasagawa ng artillery fire, gayunman, may mga na-monitor aniya silang pagkilos ng mga terorista dahilan para isagawa ang pagpapaputok.

Partikular na tinukoy ni Sobejana ang aniya ay pagkilos ng mga terorista sa urban center ng Jolo na ang layon ay ilihis ang atensyon ng AFP sa nagpapatuloy na kaguluhan sa Marawi City.

“We duly respect the faith of our Muslim brothers and sisters. We’re not happy to fire our guns during prayer time however there are compelling reasons to do it because of the monitored movements of our misguided fellow Filipinos who are trying to launch atrocities in urban center of Jolo in order to shift the attention of the AFP from Marawi and lessen the military pressure against the Maute,” ani Sobejana

Nataon lang aniya na noong panahon na namonitor ang pagkilos ng mga kalaban ay nagsasagawa naman ng morning prayer ang mga Muslim.

Humingi na ng paumanhin si Sobejana sa mga residente at sinabing inatasan na niya ang mga tauhan na iwasan ang pagpapaputok ngbaril sa kasagsagan ng pagdarasal.

“Nonetheless, I had given guidance to my deployed forces not to fire their guns during the time of prayer. We hope that the ASGs will not take advantage of it. May God bless us all,” dagdag pa ni Sobejana.

 

 

 

 

TAGS: artillery fire, Jolo, Sulu, artillery fire, Jolo, Sulu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.