Sa abiso ng MRT, kaninang alas 6:00 ng umaga, labingpitong tren ang una nilang napabiyahe.
Kahapon ay apat na aberya ang naitala sa mga tren ng MRT.
Ang una ay alas 6:02 ng umaga kung saan, sinabi ng pamunuan ng MRT na nagkaroon sila ng signalling problem sa pagitan ng North Avenue at Quezon Avenue stations.
Dahil dito, natagalan ang pagdating at pag-alis ng mga tren at itinaas ang category 4 sa status ng biyahe ng MRT.
Ala 1:47 naman ng hapon nang pababain ang mga pasahero ng tren sa Santolan station Northbound dahil sa technical problem.
Alas 7:25 ng gabi nang muling magpababa ng mga pasahero sa Santolan station Northbound sa parehong dahilan.
Ang ikaapat na aberya naman ay nangyari alas 7:47 ng gabi kung saan kinailangan nang magpatupad ng provisional service.
Mahigit isang oras na Shaw hanggang Taft lamang at pabalik ang naging biyahe ng MRT.
Alas 8:52 na ng gabi nang maibalik sa normal ang operasyon ng mga tren.