MRT, normal na nakabiyahe ngayong umaga matapos ang apat na beses na aberya kahapon

By Dona Dominguez-Cargullo June 14, 2017 - 07:42 AM

Matapos ang apat na beses na aberya kahapon, nakabiyahe ng normal ngayong umaga ang Metro Rail Transit (MRT).

Sa abiso ng MRT, kaninang alas 6:00 ng umaga, labingpitong tren ang una nilang napabiyahe.

Kahapon ay apat na aberya ang naitala sa mga tren ng MRT.

Ang una ay alas 6:02 ng umaga kung saan, sinabi ng pamunuan ng MRT na nagkaroon sila ng signalling problem sa pagitan ng North Avenue at Quezon Avenue stations.

Dahil dito, natagalan ang pagdating at pag-alis ng mga tren at itinaas ang category 4 sa status ng biyahe ng MRT.

Ala 1:47 naman ng hapon nang pababain ang mga pasahero ng tren sa Santolan station Northbound dahil sa technical problem.

Alas 7:25 ng gabi nang muling magpababa ng mga pasahero sa Santolan station Northbound sa parehong dahilan.

Ang ikaapat na aberya naman ay nangyari alas 7:47 ng gabi kung saan kinailangan nang magpatupad ng provisional service.

Mahigit isang oras na Shaw hanggang Taft lamang at pabalik ang naging biyahe ng MRT.

Alas 8:52 na ng gabi nang maibalik sa normal ang operasyon ng mga tren.

 

TAGS: dotr, MRT, technical problem, Train, transportation, dotr, MRT, technical problem, Train, transportation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.