Cortes sa Surigao del Sur at Sarangani, Davao Occidental, niyanig ng lindol

By Dona Dominguez-Cargullo June 14, 2017 - 06:29 AM

Niyanig ng magnitude 3.9 na lindol ang bayan ng Cortes sa lalawigan ng Surigao Del Sur.

Naganap ang pagyanig alas 4:17 ng umaga ng Miyerkules (June 14) sa 18 kilometers North ng Cortes.

Ayon sa Phivolcs, may lalim na 21 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Hindi naman inaasahan ng Phivolcs na magdudulot ng aftershocks ang nasabing pagyanig.

Samantala, alas 5:17 naman ng umaga nang yanigin ng magnitude 3.6 na lindol ang bayan ng Saragani sa Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 185 kilometes South ng Sarangani.

May lalim namang 9 kilometers ang lindol at tectonic din ang origin.

 

TAGS: Davao Occidental, earthquake, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, surigao del sur, Davao Occidental, earthquake, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, surigao del sur

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.