Bayan ng Bien Unido, Bohol, may acting mayor na

By Kabie Aenlle June 14, 2017 - 04:26 AM

 

Opisyal nang naupo bilang acting mayor ang bise alkalde ng Bien Unido, Bohol na si Rene Borenaga, halos isang linggo matapos ang karumal-dumal na pagpatay sa kanilang alkalde na si Gisela Boniel.

Ngayong si Borenaga na ang acting mayor ng bayan, si First Councilor Ramon Arcenal naman na ang tumatayo bilang vice mayor.

Ayon kay Borenaga, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyari kay Boniel.

Gayunman, habang nagpapatuloy ang paghahanap sa bangkay ni Boniel, sinabi ni Borenaga na hindi maaring maantala ang pagbibigay serbisyo sa publiko.

Nagpatawag naman agad si Borenaga ng emergency meeting kasama ang mga konsehal at department heads para sa posibleng paglalabas ng pondo para suportahan ang paghahanap sa bangkay ni Boniel.

Sa ngayon ay may mga pulis at tauhan na ang Lapu-Lapu City para suyurin ang dagat sa pagitan ng Caubian Island sa Lapu-Lapu City sa Cebu, at bayan ng Bien Unido sa Bohol kung saan pinaniniwalaang itinapon ang katawan ng biktima.

Samantala, isinampa naman na ang kasong parricide laban sa mister niyang si Bohol Board Member Niño Rey Boniel na itinuturong mastermind sa pagpatay sa alkalde.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.