IS threat, siniseryoso ng pamahalaan-Abella

By Jay Dones June 14, 2017 - 04:28 AM

 

Nagpahayag ng pagkaalarma ang Malacañang sa pinakahuling pagbabanta ng Islamic State na nananawagan sa kanilang mga kasamahan na maglunsad ng mga pag-atake sa Pilipinas.

Ang reaksyon ng Malacañang ay bilang tugon sa inilabas na audio message ng nagpapakilalang tagapagsalita ng IS na nananawagan sa kanilang mga kapanalig na sumalakay sa mga bansang Amerika, Europe, Russia, Australia, Iraq, Syria Iran at Pilipinas sa panahon ng Ramadan.

Ayon kay Abella, kanilang kinukunsidera ang naturang mensahe at gagawa ng mga kaukulang hakbang upang mapigilan ito at ang panggugulo ng Maute group sa Marawi City.

Hindi aniya titigil ang pamahalaan at ang mga sundalo hangga’t hindi natatapos ang sitwasyon sa Marawi, giit pa ni Abella.

Sa kasalukuyan, nasa 58 sundalo na pulis na ang nasasawi sa bakabakan sa lungsod.

Sa mga sibilyan, nasa 26 naman ang napapatay ng kalaban.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.