AFP, tinawag na “true patriots” ang mga magulang ng mga nasawing sundalo

By Kabie Aenlle June 14, 2017 - 04:27 AM

 

Pinuri ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga magulang ng mga nasawing sundalo sa bakbakan sa Marawi City, at tinawag silang “true patriots.”

Ayon kay AFP spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla, ang mga magulang ng mga sundalo ang maituturing na mga tunay na bayani.

Pawang katatagan ang ipinakita aniya ng mga pamilya, at may kasamang karangalan sa pagtanggap sa sinapit ng kanilang mga kaanak na sundalo.

Partikular aniya silang naantig sa panayam sa mga magulang ni Marine Lt. John Frederick Savellano.

Ani Padilla, sinabi kasi ng mga ito na hindi dapat makiramay ang mga tao sa kanila, bagkus ay dapat batiin sila ng “congratulations” dahil nakapagpalaki sila ng isang bayani para sa bansa.

Ayon naman kay Marine commandant Maj. Gen. Emmanuel Salamat, walang ni isa sa mga pamilya ang kumwestyon sa pagkasawi ng kanilang mga kaanak na sundalo sa Marawi.

Alam aniya naman ng mga ito ang tungkulin ng mga Marines, at na bahagi nito ang pagbubuwis ng kanilang buhay.

Ani pa Salamat, nagsisilbing inspirasyon sa mga sundalo ang mga nasawi nilang mga kasamahan dahil sa mga sakripisyo at katapangan na kanilang ipinakita sa kanilang trabaho.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.