China, Russia wala pang alok na tulong sa gitna ng Marawi crisis

By Isa Avendaño-Umali June 14, 2017 - 04:30 AM

Wala pang alok na tulong ang mga bansang China at Russia sa gobyerno ng Pilipinas para sa nagpapapatuloy na military operations sa Marawi City.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella, kasunod na rin ng pagbibibay-ayuda ng Amerika sa tropa ng pamahalaan na puspusan ang trabaho sa kinubkob na siyudad ng teroristang grupong Maute.

Nauna nang nilinaw ng Palasyo na technical support lamang ang ibinibigay ng US forces, at hindi uubra ang kanilang partisipasyon sa combat at surgical operations.

Ayon kay Abella, bagama’t hindi pa nagpapaabot ng anumang tulong ang China at Russia ay kayang-kaya pa naman ng ating pamahalaan, sa kabila ng mainit na sitwasyon sa Marawi City.

Ang China at Russia ay dalawa sa mga bansang sinasabing malapit kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Marami rin ang nakakapuna sa relasyon at trato ni Duterte kay Chinese President Xi Jinping at Russian President Vladimir Putin.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.