Dela Rosa, aminadong pumalya ang intelligence sa Marawi incident

By Chona Yu June 14, 2017 - 04:29 AM

 

Aminado si Philippine National Police Director General Ronald dela Rosa na bahagyang pumalya ang kanilang intelligence gathering kaugnay sa Marawi incident.

Pero paglilinaw ni Dela Rosa, tanging sa eksaktong oras lamang ng pag atake ng Maute ang hindi nila natunugan.

Ayon kay Dela Rosa, batid nilang may plano ang Maute na lusubin ang Marawi pero hindi lang nila nakuha ang eksaktong oras at eksaktong araw.

Kung nalaman lang aniya ito ng intelligence community, hindi na sana siya sumama sa biyahe ng pangulong Rodrigo Duterte patungo ng Russia.

Samantala, nagpaliwanag si Dela Rosa kung bakit naging ‘missing in action’ siya matapos ang Resorts World attack noong June 2.

Ayon kay Dela Rosa, nagtago siya sa Marawi dahil sa may ginawa siyang ‘special operation’ patungkol sa terorismo.

Gayunman, hindi na nagbigay ng karagdagang detalye si Dela Rosa kaugnay sa ginawang special operation.

Mula June 2, kahapon lamang nagpakita si Dela Rosa sa mga kagawad ng media matapos dumalo sa ‘PNP Mission: Slim Possible’ kung saan naglalayong magbawas ng timbang ang mga matatabang pulis.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.