PLDT at Globe binigyan ng ultimatum ng gobyerno para ayusin ang serbisyo
May hanggang buwan ng Setyembre na lamang ang dalawang higanteng telecommunication companies sa bansa upang pagandahin ang kanilang internet services.
Ito ang banta ng Department of Information and Communications Technology o DICT sa PLDT/Smart at Globe Telecoms.
Ayon kay Sec. Rodolfo Salalima, sakaling mabigo ang dalawang telcos na makatugon sa pangakong mapalakas ang internet connection, bubuksan na ng pamahalaan sa “third party” ang kumpetisyon.
Paalala ni Salalima, September 16, 2017 ang ipinangakong petsa ng dalawang telcos para sa pagkakaron ng improvement sa internet service.
At kung talagang hindi tatalima ang dalawang malaking telcos, sinabi ni Salalima na magiging bukas na ang gobyerno sa international competitors para hindi maapektuhan ang serbisyo sa internet users.
Tagubilin naman si Salalima sa National Telecommunications Commission o NTC, kunin ang third party operator na may malaking partner sa abroad upang matiyak ang magandang internet service.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.