V150 ng SAF nabawi na mula sa Maute group

Inquirer file photo

Narekober na ng tropa ng pamahalaan ang nadiskaril na tangke ng Special Action Force (SAF) sa Marawi City.

Ayon kay Chief Supt. Reuben Theodore Sindac, ang Regional Director PNP sa Autonomous Region in Muslim Mindanao, hawak na ngayon ng pamahalaan ang V150 o ang armored personnel carrier ng SAF.

Una rito, kinumpirma ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa na naagaw ng teroristang Maute group ang nasabing sasakyan ng pulisya.

Pero ayon kay Dela Rosa, nakatisod ng landmine ang tangke kung kaya nadiskaril at nahulog ito sa gutter.

Nagpasya na lamang umano ang mga sakay na pulis na abandonahin ang tangke dahil sa sunud-sunod na putok na nagmumula sa pinagsanib na pwersa ng Maute at Abu Sayyaf Group.

Read more...