Trillanes: Arrest order kay Lascañas patunay na totoo ang sinabi nito sa Senado
Pinatutunayan lamang umano ng Department of Justice na totoo ang lahat ng akusasyon ni Ret. SPO3 Arturo Lascañas laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Reaksyon ito ni Senador Antonio Trillanes matapos na ipag-utos ng DOJ sa NBI na makipag-coordinate sa International Police (Interpol) para sa pag-aresto kay Lascañas
Binigyang diin ni Trillanes na walang ibang layunin ang hakbang na ito ng Justice Department kundi upang ipitin si ang dating pulis na umaning miyembro ng Davao Death Squad (DDS) na iniuugnay naman kay Duterte.
Ganyan din aniya ang ginawa ng administrasyon kay Edgar Matobato na naunang nagsabi na kasapi rin sa DDS
Giit ni Trillanes, ginagawa lahat ng administrasyon ang paraan para mapigilan ang mga nakakaalam ng mga hindi makataong gawain ni Duterte.
Noong buwan ng Abril ay lumabas ng bansa at nagpunta sa Singapore si Lascañas dahil sa umano’y banta sa kanyang buhay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.