5 sibilyan, pinatay ng grupong Maute at Abu Sayyaf sa Marawi City

FILE PHOTO

Limang sibilyan ang nadagdag sa bilang ng mga biktima ng paghahasik ng terorismo sa Marawi City.

Ayon kay Joint Task Force Marawi spokesman Lt. Col. Jo-ar Herrera, lima ang pinatay ng grupong Maute at Abu Sayyaf habang mayroong limang iba pang sibilyan ang na-rescue ng tropa ng pamahalaaan.

Sinabi ni Herrera na walong sibilyan ang nabihag kahapon ng Maute.

Base sa salaysay ng limang sibilyan na nakatakas, kinatok ng mga terorista ang kanilang tinutuluyang bahay.

Dahil dito agad silang nagpulasan patungo sa ilog gamit ang back door.

Gayunman pinagbabaril umano sila ng Maute at Abu Sayyaf Group kung saan lima ang nakatakas, lima ang napatay habang binihag ang walong iba pa.

Agad nang binigyan ng pagkain at gamot ang limang nakatakas na sibilyan.

Samantala, nasa ligtas nang kalagayan ngayon ang limang pulis na una nang naipit sa bakbakan sa Marawi City.

Una rito, sinabi ni Chief Supt. Reuben Theodore Sindac, regional director ng Autonomous Region in Muslim Mindanao, na anim na pulis na nakatalaga sa Marawi ang naipit sa bakbakan at hindi makalabas sa marawi dahil naubusan ng bala.

Kahapon aniya, nakatakas na ang isa sa kanila at nasa maayos ng kalagayan.

 

Read more...