DICT, kinumpirmang may aarestuhin dahil sa “cyber sedition” kaugnay sa Marawi seige

By Isa Umali June 13, 2017 - 12:48 PM

Kuha ni Isa Umali

Kinumpirma ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Sec. Rodolfo Salalima na may nakatakdang arestuhin ang mga otoridad dahil sa “cyber sedition”, kaugnay sa nagpapatuloy na krisis sa Marawi City.

Sa pagharap ni Salalima sa Malacañang briefing, sinabi nito na anumang oras ay huhulihin na ang hindi pinangalanang suspek.

Ang suspek na ito ay gumamit aniya ng social media sa pagpapakalat ng mga propaganda at manghikayat ng pagsama sa rebelyong sinimulan ng ISIS-Maute.

Ayon kay Salalima, mahigpit nilang sinubaybayan ang mga social media posting kaugnay sa Marawi crisis.

Matatandaang hiniling ng Armed Forces of the Philippines o AFP ang pagtanggal sa 60 social media accounts na ginagamit sa pagpapakalat ng propaganda ng mga terorista.

Kasama na rito ang video ng paring dinukot ng mga miyembro ng Maute, kung saan nagmamakaawa itong itigil ang military operations sa Marawi City para sa kanilang kaligtasan.

 

TAGS: cyber sedition, dict, marawi seige, cyber sedition, dict, marawi seige

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.