Mahigit 150 na OFWs na napagkalooban ng amnesty sa Saudi Arabia, nakabalik na ng bansa

By Dona Dominguez-Cargullo June 13, 2017 - 11:06 AM

DSWD Photo

Nakabalik na ng bansa ang mahigit isang daan at limampung Overseas Filipino Workers (OFWs) na napagkalooban ng amenstiya sa Saudi Arabia.

Dumating sa bansa ang mga OFW, Martes ng umaga galing sa Jeddah, Saudi Arabia.

Sinalubong sila ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Hans Cacdac at ng mga tauhan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2.

Ayon kay Cacdac, ang mga OFWs na malayo ang uuwian ay tutulungan ng OWWA para sa kanilang accommodation at transportation.

Ilan sa mga OFWs ay may mga kasama pang maliliit na anak sa kanilang pag-uwi.

Ang nasabing mga Pinoy ay pawang mga undocumented na sa Saudi Arabia at pinagkalooban ng amnestiya para makauwi ng Pilipinas.

 

 

TAGS: amnesty, dswd, OFWs, OWWA, saudi arabia, amnesty, dswd, OFWs, OWWA, saudi arabia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.