Watawat ng Pilipinas sa mga korte sa buong bansa, 4 na araw na naka half-mast

Supreme Court Photo

Ipinag-utos ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno na ilagay sa half-staff ang mga Watawat ng Pilipinas sa lahat ng korte sa bansa.

Ito ay bilang pakikiramay sa pamilya ng mga nasawi sa nagpapatuloy na bakbakan sa Marawi City.

Ayon sa SC, simula ngayong araw, June 13 hanggang June 16 ay mananatili sa half-staff ang lahat ng Watawat sa lahat ng mga korte.

“In solidarity with the families of all Filipinos who have been killed in current situation in Marawi City, the Chief Justice has directed that the Philippine flag shall be flown at half-staff in all courts nationwide from today, June 13, 2017 until Friday, June 16, 2017,” ayon sa SC.

Kasama sa kautusan ang Supreme Court, Court of Appeals, Sandiganbayan at Court of Tax Appeals.

 

 

Read more...