Dalawa patay sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril sa Pasig at Marikina City

By Cyrille Cupino June 13, 2017 - 09:43 AM

Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa Brgy. Sto. Niño, Marikina City.

Dead-on-the-spot ang biktimang kinilalang si Russel Jocson, 44 anyos.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Marikina City Police, pinasok umano ng tatlong armadong lalaki ang bahay ng biktima at doon pinagbabaril.

Sinasabing una nang sumuko sa Oplan Tokhang ang biktima, pero nagpatuloy pa rin sa mga iligal na gawain.

Samantala, patay rin ang isang 21 anyos na babae matapos pagbabarilin sa Pasig City.

Kinilala ang biktimang si Danica Guerzon, residente ng Brgy. Rosario.

Sa inisyal na imbestigasyon, kumakain lamang umano sa loob ng isang karinderya ang biktima nang lapitan ng tatlong lalaki saka sabay-sabay na pinaputukan.

Sinasabing kilalang user ang biktima, at kaulaunan ay napag-alamang nagtutulak na rin ng droga.

Inaalam pa naman ng pulisya ang motibo sa likod ng dalawang magkahiwalay na insidente ng pamamaril.

 

TAGS: drugs, Marikina City, rosario pasig city, Shooting Incident, drugs, Marikina City, rosario pasig city, Shooting Incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.