Umano’y tagapagsalita ng ISIS, nanawagan ng pag-atake sa Pilipinas, US, at iba pang mga bansa
Isang audio clip ng umano’y tagapagsalita ng Islamic State (IS) ang inilabas sa isang messaging application.
Sa nasabing audio clip na umano’y mula kay IS spokesperson Abi al-Hassan al-Muhajer, nananawagan ito ng pag-atake sa maraming mga bansa, kasama na ang Pilipinas, ngayong panahon ng Ramadan.
Ang holy month ng Ramadan ay nagsimula noong buwan ng Mayo.
Hinihikayat ni al-Muhajer ang kanilang mga tagasunod na atakihin ang US, Europe, Russia, Australia, Iraq, Syria, Iran, at ang Pilipinas.
Sa ngayon hindi pa natutukoy ng mga otoridad ang authenticity ng nasabing voice recording.
Pero pareho umano ang boses sa nagdaang mgaaudio message mula kay al-Muhajer.
Ang Telegram na isang mobile messaging APP ay ginagamit ng ISIS sa kanilang propaganda.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.