Halos 1,500 na estudyante sa Makati, pararangalan

By Kabie Aenlle June 13, 2017 - 04:24 AM

 

Upang mas mahikayat ang mga kabataan na pagbutihin ang kanilang pag-aaral at abutin ang kanilang mga pangarap, pararangalan ng Makati City ang mga honor graduates ng mga public elementary at high school sa lungsod noong nagdaang academic year.

Pangungunahan ni Makati Mayor Abigail Binay ang 2017 Annual Recognition and Awarding Ceremonies na gaganapin sa University of Makati sa June 15.

Hindi lang basta parangal ang makakamit ng mga honor graduates, dahil makakatanggap din sila ng cash gifts mula sa lokal na pamahalaan.

Para sa mga makakatanggap ng “highest honors,” P10,000 ang ibibigay sa kanila, habang P8,000 naman para sa mga “with high honors,” at P6,000 naman para sa mga “with honors.”

Bukod dito, 50 bagong laptops rin ang ipapa-raffle sa mga awardees upang makatulong sa kanilang pag-aaral.

Sa kabuuang 1,493 na awardees ngayong taon, 656 sa kanila ang graduates ng Grade 6, 827 ang graduates ng Grade 12 at 10 naman mula sa Grade 12.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.