Bangkay ng menor de edad na NPA, narekober sa Davao

By Kabie Aenlle June 13, 2017 - 04:23 AM

 

Narekober ang bangkay ng isang 17-anyos na hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Davao City, isang araw matapos ang naganap na bakbakan sa pagitan ng mga sundalo at rebelde.

Ayon kay Eastern Mindanao Command Maj. Ezra Balagtey, isang kaanak ang kumumpirma sa pagkakakilanlan ng nasawing rebelde na kinilalang si John Paul Cabase alyas Joshua.

Si Cabase ang bukod-tanging nasawi sa panig ng NPA sa pakikipagbakbakan nila sa mga tauhan ng 15th Infantry Battalion ng Philippine Army sa Sitio Bajada, Brgy. Paradise Embac sa Paquibato district noong Linggo.

Ilang mga hindi nagpakilalang tao ang nag-turnover sa bangkay ni Cabase sa kapitan ng Brgy. Paradise Embac, at isang kaanak ang tumungo doon para kilalanin at kunin ito.

Samantala, dalawa namang sundalo ang nasawi sa naturang bakbakan, habang anim na iba pa ang sugatan at ngayon ay ginagamot sa isang ospital.

Kinondena naman ni Joint Task Force Haribon commander Maj. Gen. Noel Clement ang ginagawa ng mga rebelde na pagsasabak sa mga menor de edad sa sagupaan.

Taliwas aniya ito sa umano’y paninindigan nilang sila ay mga taga-protekta ng karapatang pantao.

Dahil dito, hinamon niya ang NPA na lubayan ang mga kabataan at hayaan ang mga ito na mag-aral sa halip na isabak sa terorismo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.