Mga lider na Maranao, humihiling ng dayalogo kay Duterte

By Kabie Aenlle June 13, 2017 - 04:30 AM

Si Pangulong Rodrigo Duterte mismo ang nais na makausap ng mga civil society leaders na Maranao tungkol sa nagpapatuloy pa rin na gulo sa Marawi City.

Ayon kay Ranao Rescue Team spokesperson Samira Gutoc-Tomawis, humihingi lang sila ng kaunting panahon ng pangulo para maipresenta nila ang anila’y “alternative views” sa kung paano masosolusyunan ang gulong ito.

Aniya, may mga bagay silang nais na direktang sabihin sa pangulo at hindi sa pamamagitan ninuman.

Tumanggi si Tomawis na banggitin kung tungkol saan ito, ngunit sinabi niyang sasabihin nila sa pangulo kung anuman ang mga naobserbahan at nalaman nila tungkol sa pangungubkob ng Maute Group sa Marawi.

Giit niya, komplikado ang problemang ito, at nais nilang makatulong sa pagresobla dito sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas malawak na kaalaman sa pangulo tungkol sa sitwasyon sa ground.

Ani pa Tomawis, handa silang pumunta sa kahit saan mang naisin ni Pangulong Duterte na makipagkita, at sasagutin na nila ang kanilang magagastos para dito.

Si Tomawis ay isa sa mga itinalaga ni Pangulong Duterte sa Bangsamoro Transition Commission, ngunit nagbitiw siya sa pwesto dahil sa pagtutol niya sa mga isinasagawang airstrikes ng mga militar.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.