Babaeng Singaporean, inaresto dahil sa pagtatangkang makapangasawa ng ISIS fighter

By Jay Dones June 13, 2017 - 04:23 AM

 

Inaresto ng mga otoridad sa Singapore ang isa nilang babaeng citizen matapos itong madiskubreng nagbabalak itong magpunta sa Syria upang makapangasawa ng isang miyembro ng Islamic State o IS.

Inaresto sa bisa ng Internal Security Act ng Singapore ang 22-anyos na suspek na si Syaikhah Izzah Zarah Al Ansari, matapos madiskubre ng Ministry of Home Affairs ang plano nito.

Sa isang statement, lumilitaw na naimpluwensyahan o na -radicalize ang babaeng suspek ng IS noong 18-anyos pa lamang ito sa pamamagitan ng panonood ng mga propaganda videos ng teroristang grupo.

Nakabuo na rin anila ng malawak na network ng mga foreign contacts ang babaeng Singaporean kasama na ang mga miyembro ng Islamic State.

Sa kanyang plano, balak ni Izzah na makapangasawa ng isang Islamic State fighter upang maiangat ang kanyang estado.

Sa ilalim ng Internal Security Act ng Singapore, maaring idetine nang walang paglilitis ang isang naarestong suspek.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.