Temporary voters’ ID, ipamimigay ng COMELEC sa mga evacuees sa Marawi
Bibigyan ng Commission on Elections (COMELEC) ng temporary voters ID ang mga rehistradong botante sa Marawi City, na lumikas dahil sa bakbakan sa lungsod.
Ayon kay COMELEC Commissioner Rowena Guanzon, ipinasa na ng en banc ang resolusyong pagbibigay ng libreng temporary IDs sa mga evacuees mula sa Marawi.
Batay sa talaan ng COMELEC, mayroong mahigit 54,000 na rehistradong botante sa lungsod.
Ani Guanzon, makatutulong ang temporary voters’ ID card sa mga evacuues na nasa evacuation centers o kaya nananatili sa kanilang mga kaanak sa mga kalapit na lugar.
Kadalasan kasi aniyang wala nang nadadalang kahit anong proof of identity ang mga residente o pamilyang lumilikas.
Kaya naman aniya, mas makabubuti para sa mga ito na magkaroon ng government ID, lalo na’t humihingi na rin ng ID ang mga pulis at sundalo sa mga checkpoints at maaring ito ang kanilang iprisenta.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.