Magnitude 6.2 na lindol yumanig sa Turkey at Greece; 10 sugatan

By Kabie Aenlle June 13, 2017 - 04:22 AM

 

Niyanig ng magnitude 6.2 na lindol ang kanlurang bahagi ng Turkey at ang isla ng Lesbos sa Greece, na ikinasugat ng 10 katao at ikinapinsala ng mga gusali.

Ayon sa Disaster and Emergency Management ng Turkey, may lalim na pitong kilometro ang lindol at naitala ang epicenter nito sa Aegean Sea ganap na 3:28 ng hapon ng Lunes, oras sa Turkey.

Hindi bababa sa 25 na aftershocks ang naitala ng mga otoridad, na naramdaman rin sa Istanbul at mga lalawigan sa Izmir.

Ayon naman sa mga kinatawan ng Lesbos, dose-dosenang kabahayan sa isla ang napinsala, ilang kalsada ang kinailangang isara at 10 katao ang nasugatan sa Vrisa village.

Dahil dito, hinimok ng mga otoridad ang mga nasa Lesbos na manatili sa labas hanggang sa mainspeksyon nila ang mga gusali.

Nagpadala naman na ang emergency management agency ng Turkey ng mga health teams at nagtayo na ng 240 na family tents sa lugar para makasiguro.

Tutungo na ang mga otoridad ng Greece mula sa Athens patungo sa Lesbos para siyasatin ang mga pinsalang idinulot ng lindol.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.