Mga sugatan at nasaktan sa Marawi siege tutulungan ng PCSO

By Arlyn Dela Cruz June 12, 2017 - 07:32 PM

Magbibigay ng P5 Million na halaga ng gamot ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) para sa medikal na pangangailangan ng mga residente ng Marawi City.

Nakausap ng Radyo Inquirer nquirer si Retired Major General Alexander F. Balutan, General Manager ng PCSO, nang dumalaw ito sa mga nasawing sundalo ng Philippine Marine Corps sa Fort Bonifacio, Taguig City Lunes ng umaga.

Dagdag pa ni Balutan, sasagutin din ng ahensya ang hospitalization expenses ng lahat ng mga medical cases na may kinalaman sa Marawi Siege.

“Lahat ng hospitalization expenses ng mga pasyente na related sa Marawi Siege, sasagutin ng PCSO—sundalo man siya, sibilyan at kahit (miyembro ng) Maute!” ayon kay Balutan.

TAGS: balutan, marawi siege, pcso, balutan, marawi siege, pcso

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.