5 pulis na-trap sa gitna ng bakbakan sa Marawi City

By Mariel Cruz June 12, 2017 - 05:07 PM

Inquirer photo

Limang pulis na lamang ang naiipit pa rin hanggang ngayon sa bakbakan ng tropa ng pamahalaan at Maute terror group sa Marawi City.

Ito ay matapos makatakas ang isa sa anim na pulis na naiipit pa rin sa loob ng lungsod.

Ayon kay Autonomous Region in Muslim Mindanao director Chief Supt. Reuben Theodore Sindac, nagawang makatakas ng naturang pulis kaninang umaga.

Pero sa ngayon ay hindi pa makapagbibigay si Sindac ng iba pang impormasyon ukol sa pulis na nakatakas sa gitna ng kaguluhan.

Sinabi din ni Sindac na bagaman wala silang ideya sa kondisyon ng lima pang pulis, nagagawa naman aniya nilang makausap ang mga ito paminsan-minsan.

Samantala, nadagdagan ng anim ang mga pulis na napatay sa bakbakan sa Marawi, at nakilala ang mga ito na sina Senior Insp. Freddie Solar, Insp. Edwin Placido, at PO1 Jumaid Mama.

TAGS: Marawi City, Maute, PNP, sindac, Marawi City, Maute, PNP, sindac

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.