Mga oil companies may price rollback bukas

By Den Macaranas June 12, 2017 - 03:48 PM

Inquirer photo

Magpapatupad ng malaking rollback sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis bukas, June 13.

May kaugnayan ito sa pagbaba ng halaga ng ilang producktong petrolyo sa international market.

Sa kanilang advisory, sinabi ng Flying V na epektibo 12:01 ng madaling araw bukas ay magtatapyas sila ng P0.80 sa presyo ng kada litro ng kanilang gasolina, P0.95 sa halaga ng diesel samantalang P1.20 naman sa kerosene o gaas.

Kahalintulad na halaga rin ang ibabawas ng ilan pang kumpanya ng langis simula alas-sais ng umaga bukas.

Kinabibilangan ito ng Petron, Pilipinas Shell, Chevron, Phoenix Petroleum, PTT, Clean Fuel, Unioil at Seaoil.

Noong mga nakalipas na linggo, nagpatupad na ng oil price rollback dahil sa paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado.

TAGS: chevron, DOE, Petron, Price Rollback, Seaoil, Shell, chevron, DOE, Petron, Price Rollback, Seaoil, Shell

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.