Tulong sa AFP kontra sa Maute group kinumpirma ng U.S Embassy

By Isa Avedaño-Umali June 12, 2017 - 03:41 PM

Inquirer photo

Tikom ang bibig ni US Ambassador to the Philippines Sung Kim hinggil sa ibinibigay na ayuda ng Amerika sa tropa ng gobyerno laban sa teroristang grupo na Maute na sumalakay sa Marawi City.

Sa panayam kay Kim sa pagdalo nito sa paggunita ng 119th Independence Day sa Luneta Park, sinabi nito na hindi akma na idetalye niya ang mga tulong na ibinibigay ng Estados Unidos.

Patuloy umano ang kooperasyon at pagsuporta ng Amerika sa Armed Forces of the Philippines o AFP gaya sa pagpulbos nito sa mga terorista.

Nauna nang napaulat na may namataang US spy planes sa Marawi City bilang tulong sa AFP na patuloy ang operasyon kontra Maute group.

Kinumpirma ito ng militar at sinabi ring hiningi nila ang assistance ng US military dahil sa kakapusan daw ng sapat na surveillance equipment.

Pero sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte, hindi raw siya humingi ng tulong ng Amerika at sa halip ay nalaman lamang niya ito kamakailan lamang.

Sa kabila nito, nagpasalamat naman si Duterte sa Estados Unidos.

TAGS: AFP, duterte, independence day, Marawi City, sung kim, u.s special forces, AFP, duterte, independence day, Marawi City, sung kim, u.s special forces

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.