Full military honors, iginawad sa mga miyembro ng Philippine Marines na nasawi sa Marawi City

By Rod Lagusad June 12, 2017 - 12:59 PM

Kuha ni Rod Lagusad

Ginawaran ng full military honors at nagdaos ng isang misa para sa mga namatay na miyembro ng Philippine Marines sa headquarters sa Taguig City.

Dinaluhan ito ng mga pamilya ng sampung marines na namatay sa bakbakan sa Marawi City.

Dumating din ang mga dating heneral na sina Rodolfo Biazon at Alexander Balutan at si Vice President Leni Robredo.

Pagkatapos ng misa ay ginawaran ang mga namatay na mga miyembro ng Philippine Marines ng military merit medal.

Ayon kay Major Gen. Emmanuel Salamat, Commandant ng Philippine Marines na maari pang tumaas ito depende sa naging partisipasyon nito at magiging rekomendasyon.

Dagdag pa niya, merong financial assistance at scholarship grant na ibibigay sa mga kapamilya ng mga nasawing marines.

Nagkaroon naman ng viewing para sa mga opisyal at miyembro ng Philippine Marines at iba pang mga bisita.

Kaugnay naman kung hanggang kailan mananatli ang mga labi ng mga nasawing marines sa headquarters at kung kailan at saan ililibing ay depende umano sa desisyon ng kanilang pamilya.

 

TAGS: Marawi City, Maute Terror Group, Philippine Marines, Marawi City, Maute Terror Group, Philippine Marines

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.