Watawat ng Pilipinas, itinaas sa West Philippine Sea
Kasabay ng paggunita sa Araw ng Kalayaan, isang grupo ang nagtungo sa karagatang sakop ng West Philippine Sea at saka itinaas ang Watawat ng Pilipinas.
Sa Facebook page ng non-government organization na DAKILA, ipinakita ang pagtaas at pagwagayway ng Watawat sa karagatan.
“We express our nationalism through our pledge in the continuous struggle for freedom,” ayon sa grupo.
Sa kabila ng malakas na alon, naisagawa ng grupo na magtaas ng Watawat sa dagat habang inaawit ng kanilang mga miyembro ang Lupang Hinirang.
Tatlong araw nang nagtitipon-tipon ang grupo ng mga artist at iba pang indibidwal para sa tinawag nilang “Kamp Kalayaan” sa pangunguna ng grupong DAKILA, Active Vista at Green space Liwa.
Samantala, ngayon ding Araw ng Kalayaan, naglagay ang mga military at civilian divers ng Watawat ng Pilipinas sa Philippine rise na dating Benham rise kasabay ng araw ng kalayaan ngayong araw.
Ayon kay Lt. Col. Isagani Nato, tagapagsalita ng Northern Luzon Command, ang Watawat ng Pilipinas na naka-fiber glass ay inilagay sa konkretong pundasyon limamput-pitong metro ang lalim sa katubigan ng Philippine rise.
Sinabi ni Nato na ang fiber glass Philippine flag ay mas ligtas sa pagkasira.
Sakay ng pinakabago at pinakamalaking barko ng Philippine Navy na BRP Davao Del Sur, inilagay ng militar at ilang technical drivers ang bandila ng bansa sa naturang lokasyon.
Ang stainless steel flag pole ay labing-apat na metro ang haba. Ang mismong Watawat ay tatlong talampakan ang taas at 4.5 feet ang lapad.
Dagdag ni Nato, may plano na mag set-up ng “floating installations” para magsilbing marka ng underwater Philippine flag.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.