2 sundalo patay, 6 ang sugatan sa engkwentro sa Davao City

Nasawi ang dalawang sundalo habang sugatan ang anim pa nang makasagupa ng militar ang New People’s Army sa Davao City.

Ayon kay Maj. Gen. Noel Clement, rumesponde ang Eastern Mindanao Command sa isang ulat na namataan ang ilang armadong lalaki sa Sitio Bajada sa Paquibato District.

Dito na pinaputukan ng rebeldeng grupo ang mga sundalo kaya napilitan ang mga ito na lumaban, hanggang sa umatras ang NPA.

Narekober sa lugar ang isang M653 Colt rifle na may dalawang magazine, dalawang dungle bags, electric wire, at iba pa.

Hindi naman pinangalanan ni Clement ang mga nasawing sundao dahil ipaaalam pa ito sa kanilang mga pamilya.

 

 

 

Read more...