WATCH: 119 na kalapati, sabay-sabay pinalipad sa Camp Crame
Kasabay ng pagdiriwang ng ika-119 na anibersaryo ng Araw ng Kalayaan, isangdaan at labing siyam na kalapati naman ang pinakawalan ng mga pulis sa Camp Crame sa Quezon City.
Bago pa man basahin ang mensahe ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald Dela Rosa, binigyang pugay muna ni Deputy Director Fernando Mendez Jr. ang mga pulis na nagbuwis ng buhay sa Marawi City na nakipagbakbakan sa Maute group.
Sa mensahe ni Dela Rosa, sinabi nito na sana raw ay hindi maglaho ang alab na nararanasang kalayaan at demokrasya ng bawat Filipino.
Ipinagdarasal din ng PNP chief na makamtan na ang pangmatagalang kapayapaan at tunay na pag-unlad ng bayan.
Ngayon din aniya ang tamang panahon para patunayan ng mga pulis sa mamayan ang tunay na dedikasyon sa pagtataguyod sa mgat inatadhana ng batas at alalayan ang pamahalaan sa layunin na makatamn ang malawakan at matibay na kapayapaan at kaunlaran ng bayan.
Bilang pagkilala sa aniya mga bayani nararapat na ipaghpatuloy ang kanilang nasimulan ang paglaban sa demokrasyoa at kapangyarihang ipagtangol ang mga sarili laban sa mga manlulupig.
WATCH: 119 na kalapati sabay-sabay na pinalipad ng mga pulis sa Camp Crame | @chonayu1 #IndependenceDay #Kalayaan pic.twitter.com/ALm0HabvBM
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) June 12, 2017
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.