Kinansela ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang aktibidad sa Rizal Park sa Maynila ngayong araw para pangunahan sana ang selebrasyon ngayong Araw ng Kalayaan.
Ayon kay Presidential spokesperson Ernesto Abella, hindi nakarating sa Rizal Park ang pangulo dahil mayroon itong napaka-importanteng bagay na kailangang asikasuhin.
Hindi naman tinukoy ni Abella kung ano ang mahalagang bagay na kailangang gawin ng pangulo.
Pero ayon kay Foreign Affairs Sec. Alan Cayetano, pagod at puyat si Pangulong Duterte dahil sa pagsalubong nito sa mga labi ng mga sundalong nasawi sa bakbakan sa Marawi.
Si Cayetano at si Vice President Leni Robredo na lamang ang nanguna sa selebrasyon sa Rizal Park.
Ito sana ang unang pagdalo at pangunguna ng pangulo sa Independence Day celebration bilang president ng bansa.
Noong nakarang linggo, kinumpirma ng Malakanyang na dadalo si Duterte sa flag raising at wreath laying ceremonies sa Rizal Park.
Nauna nang kinansela ng pangulo ang tradisyunal na Independence Day vin d’honneur na ginagawa taun-taon sa Malakanyang.
Ayon sa palasyo, kailangang asikasuhin ng pangulo ang mga isyu sa Mindanao.
WATCH: Abella trying to explain why Pres. Duterte decided to skip the Independence Day event @inquirerdotnet pic.twitter.com/caojIhYeWy
— Kristine Sabillo (@KSabilloINQ) June 12, 2017