Lider ng ISIS ang nag-utos ng Marawi siege ayon kay Duterte

By Dona Dominguez-Cargullo June 12, 2017 - 07:05 AM

Mismong ang lider ng Islamic State (IS) na si Abu Bakr al-Baghdadi umano ang nag-utos ng pag-atake sa Marawi City.

Ito ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa panayam sa kaniya sa Cagayan de Oro City.

Ayon sa pangulo, lumitaw na mismong si Baghdadi ang naglabas ng utos para maghasik ng terorismo sa Pilipinas.

Kamakailan, sinabi ni Pangulong Duterte na may ugnayan na sa ISIS ang Maute terror group at si Isnilon Hapilon ng Abu Sayyaf ang ginawang lider ng ISIS dito sa Pilipinas.

Ito ang dahilan ayon sa pangulo kaya kinakailangan talaga ang martial law sa buong Mindanao.

Muli ring binanatan ng pangulo ang mga kumokontra sa martial law declaration na kaniyang tinawag na mga “bobo”.

Ayon sa pangulo dahil patuloy ang pagtugis ng pwersa ng pamahalaan sa Maute group ay hindi malayong magtungo sila at maghasik ng lagim sa ibang lugar sa Mindanao gaya ng Lanao del Norte at Basilan.

 

 

 

TAGS: duterte, ISIS, Maute, duterte, ISIS, Maute

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.