LPA na binabantayan ng PAGASA, naging bagyo, pero wala na sa PAR

By Dona Dominguez-Cargullo June 12, 2017 - 07:39 AM

Naging isang tropical depression na ang Low Pressure Area (LPA) na nagpaulan sa bansa nitong nagdaang linggo.

Pero ayon sa PAGASA, lumabas na ng bansa ang nasabing LPA bago naging ganap na bagyo.

Patungo na ngayon ng China ang nasabing bagyo.

Sa ngayon, sinabi ng PAGASA na mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan na lamang na may kasamang thunderstorms ang mararanasan sa lalawigan ng Pangasinan at Zambales dahil sa habagat.

Hanggang katamtamang pag-ulan din ang mararanasan ngayong araw sa Davao at Caraga.

Makararanas naman ng magandang panahon ngayong araw ang buong Visayas.

Habang sa Metro Manila, isolated na pag-ulan lamang at thunderstorms ang iiral.

 

TAGS: LPA, Pagasa, Tropical Depression, Weather in Philippines, LPA, Pagasa, Tropical Depression, Weather in Philippines

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.