Libreng WiFi sa EDSA, inilunsad na

By Kabie Aenlle June 12, 2017 - 04:58 AM

Inilunsad ngayong araw ng mga telco giants na Globe Telecom at PLDT Inc. ang kanilang libreng WiFi internet sa kahabaan ng EDSA.

Sa kanilang magkahiwalay na anunsyo, sinabi ng Smart Communications ng PLDT at ng Globe na magagamit ang kanilang WiFi service sa buong 24-kilometro ng EDSA na bumabagtas sa Caloocan, Quezon City, San Juan, Pasay, Mandaluyong at Makati.

Ayon sa Smart at Globe, magagamit ang kanilang free WiFi sa loob ng unang 30 minuto, at pagkatapos nito ay sasabihan na ang subscribers na babayaran na nila ang susunod nilang data usage.

Inilunsad ang proyektong ito katuwang ang Department of Information and Communications Technology, kasunod na rin ng panawagan ni Pangulong Duterte sa pagkakaroon ng mas maayos na internet quality.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.