Pinaghahandaan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang ikatlong metro-wide earthquake drill.
Ayon kay Metro Manila Crisis Monitoring ang Management Center (MMCMMC) head Ramon Santiago, gaganapin ang panibagong Metro Manila Shake Drill ganap na alas-4:00 ng hapon ng July 14, Biyernes.
Naiiba ang shake drill ngayon dahil tatagal ito ng apat na araw at matatapos sa July 18, Lunes ng umaga.
Layon ng mga otoridad na mas paigtingin pa ang kaalaman ng publiko tungkol sa paghahanda sa isang malakas na lindol.
Ayon pa kay Santiago, magkakaroon din ng pagkakataon ang mga tao na siyasatin ang kanilang mga plano at kung paano mas pagbubutihin ito.
Kung dati ay pre-positioned na ang mga kagamitan at emergency vehicles, iibahin na nila ito ngayon.
Kabilang rin sa mga isasagawang scenarios ang total power failure, emergency response test at early recovery plans.
Magsisilbi namang responders ang mga otoridad mula sa mga kalapit na lalawigan ng Metro Manila tulad ng Bulacan, Rizal, Cavite at Laguna.
Ang panibagong earthquake drill ay bilang paghahanda pa rin ng MMDA sa posibleng pagtama ng “The Big One” oa ang magnitude 7.2 na lindol na inaasahang yayanig sa Metro Manila anumang oras.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.