Iran, nagpadala ng eroplanong may dalang pagkain sa Qatar

By Kabie Aenlle June 12, 2017 - 04:40 AM

Dahil sa pangambang maubusan ng supply ng pagkaina ng Qatar, nagpadala doon ang bansang Iran ng apat na cargo planes na naglalaman ng pagkain.

Matatandaang matapos putulin ng ilang bansa ang kanilang diplomatic ties nila sa Qatar, nabawasan ng mga supplier ng pagkain ang naturang Arab nation.

Sa ngayon ay ang Iran at Turkey ang nakakausap ng Qatar para mag-supply sa kanila ng pagkain at tubig matapos silang talikuran ng Saudi Arabia, United Arab Emirates, Egypt at Bahrain.

Ayon kay Ali Hemmati na isang opisyal sa Iran, target nilang magdala ng 100 tonelada ng prutas at gulay patungong Qatar araw-araw.

Una nang itinanggi ng Qatar ang mga alegasyon na sinusuportahan umano nila ang terorismo kaya sila tinalikuran ng mga Gulf Arab nations, at iginiit na wala itong basehan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.