Pulisya, mananatiling nasa full alert status sa selebrasyon ng Independence Day

By Mariel Cruz June 11, 2017 - 06:54 PM

Mananatili sa full alert status ang National Capital Region Police Office o NCRPO kasunod ng pagdiriwang ng Independence Day bukas, araw ng Lunes, June 12.

Ayon kay NCRPO Spokesperson Kim Molitas, mananatiling mataas ang kanilang alerto sa Araw ng Kalayaan bilang bahagi ng paghihigpit ng seguridad.

Ito ay dahil rin inaasahang dadalo sina Pangulong Rodrigo Duterte at Vice Pres. Leni Robredo sa selebrasyon sa Rizal Park.

Sinabi din ni Molitas na masusunod ang mga security protocol habang ipinagdiriwang ang Independence Day sa Luneta Park at iba pang events sa Metro Manila bukas.

Mas pinaigting ng pulisya ang seguridad sa Metro Manila kasunod ng pangambang umatake ang mga terorista na naghahasik ng kaguluhan ngayon sa Marawi City.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.