Hinihinalang miyembro ng Maute group, arestado sa Surigao Port
Naaresto ng mga otoridad ang isang hinihinalang miyembro ng Maute group sa Surigao Port, umaga ng Linggo.
Batay sa impormasyon mula sa Philippine Ports Authority-Surigao, bibiyahe umano ang naturang suspek patungong Legazpi City mula sa Marawi City.
Wala aniyang dalang ID ang suspek kung kaya hindi mabatid ang pagkakakilanlan nito.
Pero batay sa listahan na may kasamang mga litrato ng mga miyembro Maute group mula sa pulisya, may pagkakahawig ang suspek kay alyas “Hafid”.
Matapos maaresto, agad na itinurn over si alyas Hafid sa mga pulis para sa karagdagang imbestigasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.