Paggunita ng Independence Day, tuloy pa rin sa Marawi sa kabila ng kaguluhan

By Mariel Cruz June 11, 2017 - 03:05 PM

INQUIRER FILE PHOTO

Tuloy pa rin ang pagdiriwang ng Independence Day sa Marawi City bukas, June 12, sa kabila ng patuloy na bakbakan sa pagitan ng tropa ng gobyerno at Maute terror group.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla, iwawagayway ang watawat ng Pilipinas sa kapitolyo ng Marawi bilang paggunita sa ika-119 Araw ng Kalayaan.

Sinabi ni Padilla na ang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ay isang importanteng bagay na dapat hindi kinakalimutan.

Kaugnay nito, hindi pa rin aniya matiyak ng AFP kung tuluyan nang mababawi ng tropa ng pamahalaan ang Marawi City mula sa mga terorista sa June 12.

Pero tiniyak ni Padilla sa publiko na ginagawa ng militar ang lahat para mailigtas na ang Marawi sa mga terorista.

Noong nakaraang Biyernes, napatay ang labintatlong miyembro ng Philippine Marines, habang mahigit limampu ang nasugatan sa pakikipagbakbakan sa Maute group.

Sinabi ni Padilla na simula nang sumiklab ang kaguluhan sa Marawi noong May 23, umabot na sa 140 Maute members ang napatay, habang 58 sa mga sundalo at 21 sa mga sibilyan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.