Nailigtas ang apat na sibilyan ng peace volunteers kasunod ng patuloy na bakbakan ng pwersa ng pamahalaan at Maute terror group sa Marawi City.
Sa pahayag ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process, 3 Maranao at 1 Christian ang nasagip ng militar katuwang ang Joint Coordination, Monitoring, and Assistance Center (JCMAC) sa bahagi ng Barangay Moncado Colony sa distrito ng Bangolo.
Agad itinurn over ang mga sibilyan sa Criminal Investigation at Detection Group ng pulisya para alamin ang pagkakakilanlan ng mga ito.
Inilipat rin ang 4 na sibilyan sa isang medical clinic sa Marawi City para sa medical assistance.
Batay sa datos ng OPAPP, aabot sa 221 sibilyan na nailigtas sa Marawi City kasunod ng pagbubukas ng peace corridor at humanitarian ceasefire noong nakaraang linggo.