CHR, hinimok ang pamahalaan na itigil na ang airstrikes sa Marawi

By Rod Lagusad June 11, 2017 - 03:31 AM

Umapela ang Commission on Human Rights (CHR) sa gobyerno na itigil na ang isinasagawang airstrikes sa Marawi City.

Kasunod ito ng mga panawagan ng simbahan, mga lokal na lider at iba pang sektor, para maiwasan ang patuloy na pinsala sa buhay at mga ari-arian sa mga apektadong mga komunidad.

Ayon sa CHR, kanilang sinusuportahan ang ginagawang operasyon ng pamahalaan para maibalik ang kapayapaan sa lungsod, kaugnay nito dapat anila na mag-ingat para maiwasan ang pagkadamay ng mga sibilyan at mga ari-arian.

Naniniwala ang ahensya na sa panahon ng kaguluhan ay dapat sigurihin ng pamahalaan na malimitahan ang epekto nito.

Nanawagan din ang ito sa mga lokal na pamahalaan at mga ahensya partikular na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mabigyan ng sapat na mga pangangailangan ang mga nasa evacuation centers.

Matatandaang nagsimula ang bakbakan ng Maute at ng tropa ng gobyerno noong May 23 na nagbunsod sa pagdedeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ng batas militar.

TAGS: airstrike, CHR, commission on human rights, Marawi City, airstrike, CHR, commission on human rights, Marawi City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.