4 na miyembro ng Dawlah Islamiya, patay sa ambush sa Lanao Del Norte

By Josephine Codilla-Radyo Inquirer correspondent June 11, 2017 - 03:23 AM

UPDATE – Patay na nang dalhin sa isang ospital sa Iligan City ang apat na miyembro ng Dawlah Islamiya (DI) matapos tambangan ang mga ito ng hindi pa nakikilalang grupo sa boundary ng Baloi at Pantar, Lanao del Norte alas diyes ng gabi ng Sabado.

Kinilala ang mga nasawi na sina Zulkifli Risales Maute, Aliasgar Hadji Sulunan, Salah Gasim Abbas at Allan Capal Sulaiman.

Ayon sa ulat ng pulisya, isang “unidentified Moro armed group” ang bumaril sa convoy ng mga elemento ng RPSB-ARMM at CIDG-PNP na humuli sa apat.

Papuntang Iligan City mula sa Marawi City ang convoy nang tambangan ito.

Sugatan naman ang apat na pulis sa naturang insidente.

Ayon pa rin sa pulisya, ang mga nasawing miyembro ng Dawlah Islamiya ay mahalaga sa ginagawang imbestigasyon sa Maute brothers at magagamit sanang saksi laban sa ama ng Maute Brothers na si Engr. Cayamora Maute at kanilang ina na si Ominta Romato Maute alyas Farhana na nauna nang naaresto.

 

Ang naturang convoy ay binubuo ng limang mobile police units ng Regional Public Safety Battalion ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) kasama ang regional Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG).

Pero sa ngayon ay hindi pa malinaw kung may kaugnayan ang pananambang sa patuloy na bakbakan sa Marawi City.

TAGS: ambush, Lanao del Norte, police convoy, ambush, Lanao del Norte, police convoy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.