Mga bagong silang na sanggol sa mga evacuation center, nagbibigay ng pag-asa

By Rod Lagusad June 11, 2017 - 03:25 AM

Nagbibigay ng pag-asa ang anim na bagong silang na mga sanggol sa evacuation center kasabay ng patuloy na bakbakan sa Marawi City sa pagitan ng pamahalaan at ng mga teroristang grupo.

Umaasa ang mga magulang ng mga sanggol na matatapos na sa lalong madaling panahon ang kaguluhan sa kanilang lugar.

Anila siya ay umaasa na hindi mararanasan ng kanilang mga anak ang hirap na dulot ng bakbakan sa Marawi.

Sa kasalukyan nasa kabuuang 239,887 ng mga indibidwal ang lumikas mula sa Marawi City.

Samantala, nagsasagawa naman re-validation sa mga evacuation centers, kung saan muli silang kakapanayamin.

TAGS: baby, Evacuation center, Marawi City, baby, Evacuation center, Marawi City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.