Motion to take deposition ng ilang mga umano’y nagsiwalat sa Hacienda Binay, inihain sa Makati RTC

August 26, 2015 - 07:21 PM

 

binay3Naghain ng motion to take deposition sa Makati Regional Trial court ang kampo ni Vice President Jejomar Binay.

Ang motion ay may kinalaman sa nauna nang isinampang 200 million peso damage suit ni Vice President Binay laban sa umano’y political backer ni DILG Secretary Mar Roxas.

Ayon kay Atty. Claro Certeza, abugado ni VP Binay, pinahaharap nila sa korte sina Francis Enrico Gutierez at Salvador Buddy Zamora na umano’y political backer ni DILG Sec. Mar Roxas.

Kabilang din sa nais nila na ipatawag sa korte sina Presidential Adviser Ronald Llamas, BSP Governor Amando Tetangco Jr, at mga matataas na opisyal ng Anti-Money Laundering Council sa pangunguna ni Exec. Dir Julia Abad, Jaye Dela Cruz-Bekema at tatlong iba pa.

Naniniwala si Certeza na base sa hawak nilang ebidensya, helicopter Tierres at Zamora ang ginamit ng mga kumuha ng video sa sinasabing Hacienda Binay sa Batangas.

Sinabi pa ni Atty. Certeza, regular na nagsasagawa ng meeting sa isang gusali sa Taguig City ang mga nabanggit na personalidad.

Gusto rin malaman ng kampo ni Binay sa bibig mismo ng mga opisyal ng AMLAC kung ano ang mga dokumentong pinagbatayan para maglabas ng konklusyon na may tago at hindi maipaliwanag na kayamanan ang Pangalawang Pangulo./ Jong Manlapaz

 

 

TAGS: hacienda binay, VP Binay, hacienda binay, VP Binay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.