Anim na hinihinalang miyembro ng NPA, arestado sa Agusan del Norte at Agusan del Sur

Arestado ng pulisiya at ng militar ang anim na hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Agusan del Norte at Agusan del Sur.

Naaresto sina Jose Maamo, John Mike Maamo at Jobert Bagtong sa Barangay Tagkatung, Carmen sa Agusan del Norte.

Nakuha sa kanila ang isang baril, granada at balisong.

Habang arestado naman ang magpipinsan na sina Bernie, Joel at Niño Perez sa Agusan del Sur habang sila ay papunta sa kabundukan kung saan sila sa nagtatranaho.

Nakuha sa kanila ang ibat ibang mga medical paraphernalia, baril, ammunition at improvised explosive devices sa bawat sako na kanilang dala.

Nahaharap ang anim na naaresto sa mga kaso.

Read more...