Higit sa 200 evacuees mula sa Marawi City tinamaan ng diarrhea

By Chona Yu June 10, 2017 - 08:35 PM

Tinatamaan na ng iba’t ibang sakit ang mga evacuees mula sa Marawi City.

Ayon kay Health Secretary Paulyn Ubial, ito ang dahilan kung kaya nakatutok na ang DOH sa mga evacuation centers.

Target aniya ng DOH na mapigilan na magkaroon epidemya dulot ng outbreak ng acute gastro-enteritis at cholera mula sa mga lumikas na residente na apektado ng nagaganap na labanan .

Sinabi ni ubial aabot na sa dalawang daan ang nakararanas ng diarrhea at kung hindi ito maaagapan ay posibleng dumami pa ang mga pasyente na kanilang aasikasuhin.

Gayunman, maliit pa rin aniya ang bilang na ito kung ikukumpara sa mahigit 200,000 evacuees mula Marawi City.

Para maiwasan ang paglobo ng bilang ng mga maysakit, sinabi ng kalihim na mahigpit nilang ipinatutupad ang kalinisan lalo na ang pagbabawal sa pagdumi sa labas ng mga evacuation center bukod sa pagbibigay ng kaukulang gamot.

TAGS: evacuees, Marawi City, ubial, evacuees, Marawi City, ubial

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.