Case build-up laban sa oposisyon pinababawi ng LP sa DOJ

Pinababawi ng Liberal Party kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre  ang Department Order 385 na nag-uutos sa National Bureau of Investigation (NBI)na magsagawa ng case build up sa umano’y destabilization plot ng oposisyon laban sa Duterte administration.

Sa opisyal na pahayag ng LP, iginiit nito na kwestiyunable ang basehan ng ipinag-utos na imbestigasyon ni Aguirre dahil mismong ito na ang umamin na mali ang kanyang akusasyon at ang pinagbasehan nito ay fake news.

Bukod dito, pinatitigil din ng Liberal Party ang political harrassment sa mga kasamahan nila sa oposisyon.

Malinaw umano sa mga galaw ng kalihim na desidido ito na idiin ang oposisyon at ang kritiko nito at ng administrasyon.

Tinawag naman ng LP na squid tactic ang mga palusot ni Aguirre na walang pinagkaiba sa mga kontrobersiya na una nitong kinasangkutan.

Kabilang dito ang P50 Million extortion scandal sa Bureau of Immigration (BI) at ang pagkakasangkot ng kapatid nitong lalake sa Small-Town Lottery (STL) sa Luzon.

Matatandaang isiniwalat ni Aguirre ang umano’y pakikipagpulong nina Senador Bam Aquino, Antonio Trillanes at Rep. Gary Alejano sa mga pulitiko at pamilya sa Marawi City bago sumiklad ang gulo duon pero binawi rin kinabukasan.

Read more...