Mga oil companies may price rollback sa papasok na linggo
Isa na namang malakihang rollback ang ipatutupad ang mga oil companies sa papasok na linggo.
Kasunod ito ng pagbabagsak ng presyo ng mga produktong petrolyo sa international market.
Ayon sa ilang insiders mula sa Department of Energy, inaasahang nasa pagitan ng P0.90 hanggang P1.00 ang inaasahang rollback sa presyo ng diesel.
Pagitan naman ng P0.80 hanggang P0.90 sa kada litro ng gasolina samantalang P1.20 naman sa bawat litro ng kerosene o gaas.
Inaasahan na gagawin ang rollback sa araw ng Martes ayon pa sa ilang industry player.
Noong nakalipas na linggo ay nagpatupad rin ng rollback ang mga oil companies sa ibinebenta nilang gasolina, diesel at keresone.
Samantala, wala namang inaasahang rollback sa presyo ng cooking at auto LPG sa papasok na linggo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.